Abante Tonite Interactive

Delivery boy, 3 beses nanghipo ng puwet sa mall

725

Dahil sa panggigigil, walang takot na dinakma at pinisil ng isang delivery boy ang puwet ng isang teenager sa loob ng isang mall, Linggo nang gabi sa Valenzuela City.

Nakakulong ngayon sa Valenzuela Police detention cell si Dominic Soriano, 30-anyos, taga-Barangay 160, Libis Baesa, Caloocan City at nahaharap sa kasong acts of lasciviousness.

Ayon sa Valenzuela Police, binitbit sa presinto ang suspek ng mga barangay tanod matapos maaktuhan ng ama ng biktimang si April, Grade 11, 15-anyos ang panghihipo ng suspek alas-7:30 Linggo nang gabi sa Gen. T. de Leon, Valenzuela City.

Ayon sa biktima, habang naglalakad sila sa mall ay napansin niya ang suspek na sumusunod kung saan dalawang beses aniyang dinakma ni Soriano ang puwet nito ngunit pinalampas lang ng biktima sa takot na magsumbong sa kasama.

Ngunit nang umulit pa si Soriano ay kinompronta na ito ni April at nang malaman ito ng kanyang ama na empleyado ng mall ay dinamba ng mga sikyo si Soriano. (Vick Aquino)