Abante Tonite Interactive

Delivery boy na pumatay sa clerk timbog

302

Nasa kamay na ng Quezon City Police District (QCPD) ang water delivery boy na pumaslang sa clerk ng Taytay Municipal hall makaraang matunton ito sa pinagtataguan sa Rizal kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ni QCPD Director P/Chief Supt. Joselito T. Esquivel Jr. ang suspek na si Joven Evasco, 19, ng Taguite Cupang, Antipolo City.

Siya ang itinurong pumatay kay Salvador Alcantara sa Room 2F No. 97 14th Ave. Brgy. Socorro, Murphy, Cubao, QC.
Sa imbestigasyon, alas-kuwatro ng madaling-araw nang maaresto si Evasco sa follow–up operation ng CIDU sa pamumuno ni P/Supt. Elmer Monsalve sa Marilaque Brgy. Cupang, Antipolo City.

Magugunitang ang duguang bangkay ni Alcantara ay nadiskubre ng awtoridad dakong alas-9:30 nang umaga noong Enero 20, 2019, sa inuupahang kuwarto sa 14th Ave. Brgy. Socorro, Murphy, Cubao.

Si Evasco ay nakapiit ngayon sa detention cell ng CIDU makaraang sampahan ng kaso sa QC Prosecutors Office ng Robbery with homicide at estafa.