Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delivery boy nagbigti

0 77

Nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagbibigti ang isang delivery boy sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City kahapon ng umaga.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang nakabigting biktima sa kanyang silid.

Batay sa imbestigasyon ni PCPL Angel Pascasio III, pinuntahan umano ang 34-anyos na biktima ng kanyang kapatid na babae sa silid nito upang gisingin para pumasok sa trabaho.

SM food to go Banner Ad

Pero pagbukas umano sa pintuan ay bumungad sa kanya ang kapatid na nakabigti sa kisame gamit ang kable.

Nakakuha naman ang SOCO team na pinamumunuan ni PLt. Venilene Ballad ng notebook na umano’y ‘suicide note’ pero hindi na idinetalye pa ang nilalaman nito. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.