Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delivery crew rumaket na snatcher tiklo

0 253

Kalaboso ang isang food delivery crew habang hinahanap pa ang kasabwat nito, na nang snatch sa cellphone ng Grab food biker sa Malate, Maynila kamakalawa.

Sa tulong ng CCTV, natunton ang suspek na si Dennis Venus, 31, delivery crew sa isang Korean restaurant at residente sa Brgy. 137 Zone 15, Pasay City. Nang maaresto, itinuro naman nito ang kasabwat na nakilalang si John Paul Lara ng Brgy. 136 sa lungsod.

Desidido na magsampa ng kasong ang biktimang si Mark Anthony Tirados. Sa imbestigasyon ng Manila Police District- Malate Police Station 9, ala-una ng hapon nang maganap ang insidente.

Kwento ni Tirados, habang binabagtas nito ang kahabaan ng A. Mabini Street, lulan ng bisekleta pagsapit sa panulukan ng San Andres St., nang dikitan siya ng riding-in-tandem na suspek at inagaw ang kanyang cellphone na gamit sa hanapbuhay.

Sa ginawang follow-up operation ng pulisya, namataan si Venus sa harapan ng Dackchic Go Korean Restaurant sa Ermita. Natukoy din na ang ginamit na motorsiklo ng mga suspek ay nakapangalan sa may-ari ng restaurant na pinapasukan ng suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.