Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delivery rider hinoldap

0 152

Walang nagawa ang 21-anyos na food delivery rider nang tangayin ng dalawang holdaper ang kanyang panghanapbuhay na motorsiklo, kamakailan sa Makati City.

Hindi na naihatid sa kanyang customer sa Brgy. Pembo ang idi-deliver sanang pagkain ng biktimang si Adrian Gumanit.

Nabatid sa CCTV camera ang insidente noong Agosto 18 ng gabi, nang pumasok ang biktima sa maliit na kalsada dala ang pagkain na kanyang ide-deliver.

Nabatid na hinarang ang biktima ng 2 suspek, tinutukan ng baril at sapilitang kinuha ang kanyang motorsiklo.

Kaagad humingi ng tulong si Gumanit sa ilang residente at sinubukan nilang habulin ang mga holdaper pero nagpaputok ng baril ang mga suspek kaya nagtago na lamang sila sa pangambang tamaan.

Ayon sa biktima, katatapos lamang niyang mabayaran ang secondhand na motor na kanyang ginagamit sa food delivery at dito lamang siya kumukuha ng panggastos sa araw-araw.

Nanawagan si Gumanit sa mga suspek na sana ay makonsensiya at ibalik ang kanyang sasakyan para makapaghanapbuhay na muli siya habang pandemya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.