Abante Tonite Interactive

Dell, Air Force tuloy ang ligaya

242

KUMADENA ang Philippine Air Force Lady Jet Spikers matapos pagulungin ang Pacific Town-Army lady Troopers, 25-22, 25-21, 25-19, sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City kagabi.

Nagpakitang gilas si 6-foot-2 na si Dell Palomata matapos magtala ng 20 points upang ilista ng Lady Jet Spikers ang first round 3-5 win-loss record.

Humataw si Palomata ng 17 sa 41 attack points ng Air Force kasama ang tatlong blocks.

Bumakas sina May Ann Pantino at Judy Ann Caballejo ng tig-siyam na puntos.

“Sana magtuluy-tuloy pa para makapasok kami sa top four. ‘Yun naman ang aim ng team, makapasok muna sa top four and another plan naman pagdating doon,” saad ni Air Force coach Jasper Jimenez.

Tangan ng Pacific Town Army ang 4-4 card.

Bumira si Honey Royse Tubino ng 13 puntos para sa Lady Troopers, may siyam si Jovelyn Gonzaga. (Elech Dawa)