Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delos Santos 16th, P764K binulsa

0 47

Sinara ni Justin delos Santos ang kampanya sa three-under 68 upang makibuhol sa dalawa pa para sa pang-16 na puwesto na may ¥1.672K (P764K) each sa wakas ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 22nd leg ¥110M (P50.2M) 51st Vantelin Tokai Classic sa Miyoshi Country Club West Course sa Miyoshi City, Aichi Prefecture Linggo ng hapon.

Kabilang ang mga naunang 72-68-70, may six-under par 278 total ang 26-anyos na Fil-Am na piniling katawanin ang ‘Pinas dito kaysa United States, kaiskor niya sina local bet Yosuke Asaji (66) at Australian Dylan Perry (70).

Ang isa pang pambato ng bansa at suportado ng ICTSI na si Angelo Que nahanay sa triple-tie sa 28th spot sa 70-281 kasama ang earlier rounds na 70-70-71 at kumite ng ¥814K (P372K).

Naghari si American Chan Kim sa 69-270 via two-shot laban kina Nippon Yuta Ikeda (68), Tomoharu Otsuki (68) at Jinichiro Kozuma (69) na may identical 272. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.