Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delos Santos 6th, halos P2M ang premyo

0 70

Tinakpan ng eagle at apat na birdie ang dalawang bogey at isang double bogey ni Justin Delos Santos upang maisalba ang two-under par 70-274 at best-finish na joint sixth place sa pagtiklop ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 21st leg ¥100M (P45M) 5th Panasonic Open Championship sa Joyo Country Club sa Joyu City, Kyoto Prefecture Linggo ng hapon.

May Tour record-tying 7 straight birdies/or more, sa 28 sa front 9, sa third round kumite ang 26-yearold Fil-Am na piniling katawanin ang ‘Pinas dito ng ¥3.8K (P1.7M) gaya ni American i Chan Kim. Hinigitan niya rin ang previous best 12th place tie sa 19th leg ¥110M (P50M) 49th Fujisankei Classic sa Shiga Prefecture nitong Sept. 5.

SM food to go Banner Ad

Ang isa pang pambato ng bansa na si Angelo Que ng Manila nagsumite naman ng 73-284 para sa fifth-way tie sa 39th na may ¥480K (P220K).

Naging panlimang amateur na nagkampeon sa pro tourney si world No.1 Keita Nakajima nang silatin sa playoff si Japanese compatriot Ryutaro Nagano. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.