Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delos Santos 72 ang simula

0 159

Nagposte ng two-over-par 72 si Justin Delos Santos upang mapabilang sa siyam na magkakatabla sa 65th spot sa pagsambulat ng Japan Golf Tour ninth leg, ¥100M (P44.7M) 61st The Crowns sa Wago Course ng Nagoya Golf Club sa Nagoya City, Aichi Prefecture.

Eight strokes down ang Fil-Am sa solo leader na si Nippon Takumi Kanaya na nagpasiklab ng six-over 64 para sa isang palong kalamangan kina countryman Toru Nakajima at American Chan Kim na may identical 65s sa 105-man field.

SM food to go Banner Ad

Ang dalawang pamato pa ng ‘Pinas na sina Juvic Pagunsan ng Bacolod at Angelo Que ng Manila humihinga lang sa batok ni Delos Santos sa parehong 73 upang mahanay sa nine-way tie rin para sa 74th patungo sa second round qualifying ngayong Sabado. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.