Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delos Santos abante sa finals

0 63

Binuslo ni Justin Delos Santos ang three-under par 69 upang sumampa mula joint 55th place patungo sa six-way tie 22nd spot at pumasok sa weekend play ng 49th Japan Golf Tour 2022 Leg 7 ¥80M (P33M) 52nd Mizuno Open sa JFE Setonaikai Golf Club sa Kasaoka City, Okayama Prefecture Biyernes ng hapon.

Kasama ang 71 kung saan kasalo niya ang 22 kabilang ang isa pang pambato ng ‘Pinas pero na-cut nang si 2020+1 Tokyo Olympian Juvic Pagunsan, may four-under 140 na si Delos Santos na iwan lang ng limang palo kina co-leader Nippon Ryuichi Oywa (65) at Anhtony Quayle ng Australia (70) na may 135.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mag-isa sa tersera si home bet Shotaro Wada sa 67-136 samantalang lagpak sa sosyo sa pang-12 si first round leader American Todd Baek na nag-75-139.

Sumablay sa last two-round finals si Pagunsan nang mag-four-over 76 (147) at malagay sa walongmagkakasalo sa pang-103 puwesto sa 142 mga kalahok. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.