Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delos Santos astig ang simula

0 52

Sinalpak ni Justin delos Santos ang three-under par 68 sa likod ng tatlong birdie at isang bogey sa medyo astig na ring simula sa 48th Japan Golf Tour 2020-21 19th leg ¥110M (P50M) 49th Fujisankei Classic sa Fujizakura Country Club sa Otsu City, Shiga Prefecture nitong Huwebes.

Atat ang US-based Fil-Am shotmaker buhat sa Chatsworth, California na nag-26-anyos sa parehas na araw, na makakawala sa limang dikit na kamalasan – sablay sa cut pinakabago sa 18th leg ¥100M (P45.3M) 48th Sansan KBC Augusta sa Fukuoka noong August 27.

SM food to go Banner Ad

Iwan lang siya ng isang palo kay club solo leaderScott Vincent ng Zimbabwe na may 67 sa inabot ng dilim na first roun kaya hindi natapos, kasama ang isa pang PH bet na si Angelo Que na may four-under pagkaraan pa lang ng apat na butas.

May lima pang kaiskor si Delos Santos sa apat na araw na torneo na may 118 player ang kalahok at may ¥22M top purse. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.