Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delos Santos balik-Japan Tour

0 196

MAGBABALIK sa 48th Japan Golf Tour 2020-21 si Justin Delos Santos sa pagpalo sa 25th leg ¥83M (P37M) 1st ISPS Handa Gatsu-n to tobase Tour Tournament sa Miho Golf Club sa Miho, Ibaraki Prefecture sa Oct. 28-31.

Lumiban ng dalawang yugto sa continent’s richest men’s pro circuit ang 26-anyos na Fil-Am mula sa California pero ‘Pinas ang dinadala rito. Huli siyang umaksiyon sa 22nd leg ¥110M (P50.2M) 51st Vantelin Tokai Classic sa Aichi na rito’y nag-joint 16th place siya nu’ng Sept. 30-Oct. 3.

Ginamit ni Delos Santos ang unang linggo sa pagpapahinga at ang pangalawa’y sumabak sa 16th Japan Challenge Tour 2020-21 16th leg ¥20M (P9M) 1st Delight Works JGTO Final Toride Kokusai Golf Club sa Ibaraki Prefecture nitong Oct. 20-22. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.