Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delos Santos dale 11th gold

0 220

Iniuwi ni Orencio James Virgil ‘OJ’ Delos Santos ang kanyang ika-11 gold medal sa kata ngayong taon mula sa mga online international karatefest sa pamamayagpag sa ginaganap pa ring second leg ng Budva Winner-Adria Cup ng Montenegro.

“11th Gold Medal of 2021!,” post Biyernes ng 31-anyos, 5-4 ang taas, tubong Cebu, nakabase sa Maynila at dating national karateka sa five-day event na binuksan nitong Miyerkoles at matatapos sa Linggo.

Dinispatsa ni Delos Santos sa quarterfinals ang isang Norwegian bago isinunod sa semifinals ang American.

“In the final round, I faced Switzerland bet and ended up winning my 11th Gold for the year 2021,” hirit ng two-time Southeast Asian Games bronze medalist na naglalaro sa ilalim ng Maharlika Karatedo Kai of the Philippines International.

Ikinatuwa rin ni Delos Santos ang pagwawagi ng mga estudyante niya sa MKKPI na sina Fatima A-Isha Lim Hamsain, na nag-gold sa ekata Under-16 girl’s at bronze sa U18 women’s division, at Christina Colonia, na silver sa ekata U18 women’s category C. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.