Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delos Santos dale ang 3 gold medal

0 274

Ayaw paawat ni Orencio James Virgil ‘OJ’ delos Santos sa pagdomina sa online international karate tournaments ngayong taon .

Kinopo ng reigning World No. 1 Pinoy karateka ang tatlong gold medal sa magkakaibang torneo para sa kabuuan na niyang 29 sapul nang mauso ang mga online event noong Marso hanggang ngayong buwan dahil sa Covid-19.

Pinamayagpagan ng 30-year-old, 5-foot-5 Cebuano Manila-based athlete nitong isang araw lang ang Rome International Endas Karate Cup 2020 sa pagdemolis sa finals kay Alfredo Bustamante ng Estados Unidos, 25.1-24.0.

Tinibag ng two-time Southeast Asian Games bronze medalist si Silvio Cerone-Biagioni ng South Africa, 25.5-23.6, sa pagbibida sa ongoing pa ring E-Karate Games 2020 – Edition #3, at wagi siya sa 2nd Euro Grand Prix E-Toournament 4Karate 2020 na natapos nitong Sabado nang hakbangan sa gold match si Matias Moreno ng Switzerland, 25.3-23.6.

Sisikapin ng pambato ng International Shotokan Karate Federation (ISKF) na mangas na isara ang kampanya sa kasalukuyang taon sa isa pang sasabakang torneo sa mga susunod na mga araw. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.