Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delos Santos dinale 2 gold

0 164

Dalawang medalyang ginto ang idinagdag ni Orencio James Virgil ‘OJ’ Delos Santos sa kanyang baul ng sa pagharbat sa 20th at 21st ngayong taon sa pamamayagpag sa mga katatapos lang na eKarate World Series #3 at Okinawa eTournament World Series #2.

“I just ended the two following e-tournaments: the eKarate World Series #3 and the Okinawa eTournament World Series #2! I’ll admit these two tournaments were close matches. But this makes me want to train and prepare even harder for the next tourneys to come.On to the next one!,” bulalas Biyernes ng 32-anyos, 5-5 ang taas, tubong Cebu at dating national karateka na nakabase sa Maynila.

Unang nagwagi ang Maharlika Karatedo Kai of the Philippines International (MKKPI) bet sa eKarate World Series #3 tampok ang pagdemolis sa South African bago dinispatsa ang isang Swiss sa finals, habang sa Okinawa’y dinaig ang Morrocan sa finale makaraang makalusot sa isa ring pambato ng Switzerland sa final four.

May 57 gold na siyang napapanalunan sapul ng sumali sa mga karate online tournament sa nakaraang taon sanhi ng ng Coronavirus Disease 2019. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.