Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delos Santos kinopo ika-12 gold medal

0 288

Kinolekta ni Orencio James Virgil ‘OJ’ Delos Santos ang ika-12 sunod niyang gold medal ngayong taon nang pagwagian ang Kamikaze e-Tournament Neuhofen/Austria Kata and Kumite Ranked Event ng SportsData e-Tournament nitong March 21-28.

Umiskor ang pambato ng Maharlika Karatedo Kai of the Philippines International (MKKPI) ng 25 points sa finals ng e-kata individual male series upang maipagpatuloy ang winning streak simula pa sa nakaraang taon patungo sa pagiging reigning world No. 1 e-kata player.

Dinemolis sa finale ng 31-anyos, 5-4 ang taas, tubong Cebu, nakabase sa Maynila at dating national karateka si Matias Moreno Domont ng Switzerland na may 24.5 pts.

Isa si Delos Santos sa 32 personahe na ginawaran ng karangalan ng Philippine Sportswriters Association (PSA) nito lang Sabado. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.