Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delos Santos may nililuto

0 103

Magsisiyam na buwan ng nasa community quarantine ang bansa dahil sa Covid-19, pero ang karateka na si Orfrecio James ‘OJ’ Delos Santos hindi inaalintana ang paghakot ng mga medalyang ginto sa E-Tournaments.

Naka-22 gold medal na ang 30-year-old Cebuano, Manila-based athlete, mula nang maglalahok sa mga online competition sa taon lang na ito. Bumida rin siya sa isang segment ng Eat Bulaga noong isang linggo kung saan inilabas niya ang kanyang talento sa pagkanta, at ngayo’y may hinahanda pa.

“Had to take a swab test. Something’s coming up soon. Really excited! Stay stuned!” anang karatista Lunes sa kanyang social media. Makikita ang logo ng isang tv network sa likod ni James sa kanyang pinaskil na selfie.(Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.