Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delos Santos pakay Top 10

0 45

Puntirya ni Justin Delos Santos ang unang Magic 10 finish sa 48th Japan Golf Tour 2020-21 20th leg ¥100M (P45M) 47th Ana Open Golf Tournament sa Sapporo Golf Club Wattsu Course sa Kitahiroshima City, Hokkaido sa Sept. 16-19.

Asinta ng 26-year-old Fil-Am na isa dalawang pambato rito ng ‘Pinas dito, na higitan ang best-finish na 12th place tie sa 19th leg ¥110M (P50M) 49th Fujisankei Classic sa Shiga Prefecture noong Sept 5 sa may dalawang taong kampanya.

Bago sumalo sa pang-12 posisyon, 20th spot sa Dunlop Phoenix noong November sa Miyazaki ang pinakamataas na tinapos ni Delos Santos sa isang yugto ng JGT. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.