Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delos Santos puntirya unang titulo sa Japan

0 69

Kagagaling lang ni Justin Delos Santos sa best-finish na 12th place tie sa 48th Japan Golf Tour 2020-21 19th leg ¥110M (P50M) 49th Fujisankei Classic sa Shiga Prefecture noong Sept. 5.

Kaya hindi masama marahil na mangarap na puntiryahin naman ng 26-year-old Fil-Am na kinakatawan ang ‘Pinas sa mayamang region’es men’s circuit ang unang titulo sa paghambalos ngayong Huwebes ng JGT 20th leg ¥100M (P45M) 47th Ana Open Golf Tournament sa Sapporo Golf Club Wattsu Course sa Kitahiroshima City, Hokkaido.

SM food to go Banner Ad

Ang pang-12 puwesto’y tumabon sa previous highest finish niyang 20th tie sa 47th Dunlop Phoenix Tournament 2020 noong November sa Miyazaki.

Sa lunang taon noong 2019, sablay sa cut sa tatlong nilahukan si Delos Santos. At sa kasalukuyang taon, ito na ang pang-16 niyang kompetisyon. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.