Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delos Santos, Que sa pinale

0 62

Sokpa sa weekend play sina Justin Delos Santos at Angelo Que nang makisawsaw sa five-way tie sa 24th spot sa identical five-under par 139 sa 48th Japan Golf Tour 2020-21 20th leg ¥100M (P45M) 47th Ana Open Golf Tournament sa Sapporo Golf Club Wattsu Course sa Kitahiroshima City, Hokkaido Biyernes ng hapon.

Tumikada ang 26-year-old, 5-foot-8 Fil-Am at buhat sa California ng four-under par 68 para idagdag sa 70 sa opening, habang nag-71 si Que, 42, 5-9, at tubong Manila, makaraan ang 68 starting sa pagsama nila sa 76 (top 60 and ties) sa last two round finals.

Sosyo sa tuktok sina Vincent Scott ng Zimbabwe (63) at Jbe Kruger ng South Africa (70) sa 135 aggregate. Humihinga sa batok nila sa agwat na one-stroke lang ang anim na home bet at tig-isang Australian at American.

Galing si Delos Santos sa 15 magkakatabla sa pang-35 puwesto sa first round, at si Que naman ay sa siyam na maagkakasalo sa 13th spot. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.