Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delos Santos, Que umakyat

0 76

Pasiklab ng tournament best, eagle-aided nine-under par 63 si Justin Delos Santos upang umakyat ng 33 puwesto sa penultimate playdate ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 21st leg ¥100M (P45M) 5th Panasonic Open Championship sa Joyo Country Club sa Joyu City, Kyoto Prefecture Sabado ng hapon.

May walo pang birdie at isang bogey lang ang 26-year Fil-Am na ‘Pinas ang dala rito para pantayan ang ginawa rin ni local bet Riki Kawamoto (63) at buhat sa eight-way tie sa 40th place sumampa sa pampitong puwesto katabla ang apat na iba pa sa 204 total.

Sinamahan naman nina Hirotaka Ashizawa (65) at Ryuichi Oiwa (67) si Japanese compatriot Ryutaro Nagano (68) sa tuktok sa kanilang three-day aggregate 201. Humihinga sa batok nila sina Kawamoto at Nippon Keita Nakajima sa isang palong agwat lang.

Mula sa 40th tie rin, umangat sa 7-way tie sa 32nd si Angelo Que sa 70-211. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.