Abante Tonite Interactive

Deloso chess: Brade lider sa G18

470

Elech Dawa

Pinisak ni Jean Antonette Brade si Minda­nao Leg qualifier Gllasea Ann Hilario upang manatiling walang dungis at hawakan ang top spot matapos ang anim na rounds sa girls’ Under-18 division ng Gov. Amor Deloso National Age Group Chess Championships sa Zambales Sports Complex, Iba, Zambales.

May anim na puntos­ si Brade, ang iba pang mga sinagasaan ay sina Kena Areld Galleguez, Shierzen Lhou Sebastian, Chloe Nasis, Noreen­ Sciecky Atienza at Glaiza Celine Romero, sa unang limang rounds.

Kalahating puntos ang abante ni Brade kina Visayas bet Zhayou­ Capilitan at Luzon woodpusher Daniella Bianca Cruz na may tig 5.5 puntos.

Kinaldag nina Capilitan at Cruz sina Maj Manguilimotan at Chloe Nasis ayon sa pagkakasunod.

Sa boys’ Under 8, pinagpag ni Pat Ferdolf Macabulos si Theodore Jude Garcia upang puwestuhan pa rin ang unahan kalong ang 5.5 pts.

Tinalbos ni Oshrie Jhames Reyes si Nil Jeschel Nahbi Gamba upang ilista ang limang puntos at upuan ang second spot.

Makakasama ang top three sa six-day event na inisponsoran ng Philippine Sports Commission sa pangunguna ni chairman William “Butch” Ramirez, NCFP president Prospero Pichay, Jr., Gov. Deloso at Cong. Cheryl Deloso, sa Phl team na sasabak sa Asian Age Group tilt sa Myanmar sa June.