Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delta variant kalat na sa 9 rehiyon – DOH

0 80

Siyam sa 17 rehiyon ng bansa ang mayroon ng Delta variant ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

Kabilang dito ang Region 1 (5 kaso), Region 7 (32), Region 10 (14, National Capital Region (46, Region 3 (20), Region 6 (5), Region 4A o Calabarzon (28 kaso), Region 8 (10 kaso) at Region 11 (4 kaso).

Sa briefing ng House committee on health nitong Miyerkoles, sinabi ni DOH DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman na mayroon ng 216 kaso ng Delta variant sa bansa at 165 dito ang walang kasaysayan ng paglabas sa bansa kamakailan.

NCR sumipa COVID case

Samantala, inihayag ni De Guzman na umakyat umano sa 65% nitong nakalipas na linggo ang mga kaso ng COVID sa NCR.

Inilagay naman sa “critical” risk ang Pateros at Malabon samantalang “high risk” ang 13 lugar pa sa Metro Manila.

Sinabi ni Dr. De Guzman, nakita sa NCR ang 1,596 average daily COVID-19 cases mula Hulyo 28-Agosto 3, na mas mataas kumpara 967 average cases noong Hulyo 21-27; 749 cases mula Hulyo 14-20; at 638 cases mula Hulyo 7-13.

Kabilang umano ang Makati, San Juan, Pasay, Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque, Navotas, Mandaluyong, Valenzuela, Pasig, Manila, Taguig, at Quezon City na nasa ilalim ng high risk classification.

Tanging ang Marikina at Caloocan ang nasa moderate risk classification sa Metro Manila.(Billy Begas/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.