Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delta variant kumakalat sa Eastern Visayas

0 54

May 34 bagong kaso ng mas nakakahawang COVID-19 Delta varian­t ang na-detect sa Eastern Visayas dahilan para umakyat sa 37 ang kabuuang bilang.

Nalaman na ang bagong bilang ang pinakamataas matapos na simulan ang pagpapadala ng samples sa Philippine Genome Center (PGC).

Bukod sa naitalang bagong kaso ng Delta, may namataan ding dalawang kaso ng Beta variant at 1 kaso ng P.3 na unang na-detect sa Pilipinas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“With this recent addition, there are now a total of 65 cases of the Delta variant identified and tagged in the region. This is the highest addition that the Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development has recorded to the list of the Delta cases in the region, so far,” ayon sa ulat ng DOH regional office.

Ang mga bagong kaso ay bahagi ng 104 sample na huling ipinadala sa PGC noong Agosto 10 at pawang mga lokal na kaso.

Sa 34 nakitang kaso ng Delta variant, 16 ang mula sa Leyte, 12 sa Eastern Samar, apat sa Samar, at tig-iisa sa Tacloban City, at Tomas Oppus sa Southern Leyte. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.