Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delta variant kumalat sa b-day party

0 102

Matapos ang kasiyahan sa dinaluhang birthday party, limang katao sa mga bisita ang nag-uwi ng COVID-19 Delta variant sa kanilang pamilya sa Cagayan de Oro (CDO).

Sa inisyal na report, isang bisita na galing sa trabaho sa Bukidnon ang umuwi pa sa Cagayan de Oro para dumalo sa kaarawan ng kanyang kaibigan noong Hunyo 18.

Matapos ay nagtagal pa ito nang ilang araw sa Cagayan de Oro hanggang makaramdam na ng mga sintomas ng COVID-19.

Dahil dito ay minabuti niyang sumailalim sa RT-PCR test, at nang lumabas ang resulta ay nalaman niyang positibo siya sa virus.

Agad namang nagsagawa ng contact tracing ang health department ng lokal na pamahalaan kung saan nabatid na apat sa mga nakasalamuha nito sa birthday party ang nagpositibo sa Delta variant.

“Even if you are fully vaccinated, your vaccination will only protect you from getting the more severe COVID, but that will not also make you not vulnerable from not getting the infection,” pahayag ni Dr. Rontgene Solante, infectious diseases expert.

Patuloy pa ang isinasagawang contact tracing sa iba pang nakasalamuha ng nasabing indibidwal upang mapigilan ang lalong pagkalat ng Delta variant sa nasabing lalawigan. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.