Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delta variant pinasirit COVID sa Baguio – Magalong

0 65

Itinuturong dahilan ni Mayor Benjamin Magalong ang Delta variant kung kaya’t tumaas ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Baguio City.

Ani Magalong, naitala kasi sa Baguio City ang 260 bagong kaso at walong bagong nasawi dahil sa COVID nitong nakaraang linggo.

“We are experiencing a lot of cases. We are experiencing a surge dito sa Baguio. In fact `yong increase is not linear talagang exponential, naka-curve siya,” pahayag ng alkalde sa isang briefing.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag pa ni Magalong na batay diumano sa datos ng Philippine Genome Center, may 32 kaso ng Delta variant sa Baguio City.

Subalit hinala umano ng alkalde na posibleng libu-libong kaso ng Delta variant mayroon sa kanilang lungsod.

“According to Philippine Genome Center (PGC) data… we have 32 cases of Delta. However, in our analysis, using our technical tools, there are a thousand Delta cases,” ani Magalong. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.