Abante Tonite Interactive

DeMarcus Cousins pangontra ng Warriors kay James, Lakers

By
2,105

Nagtawag agad ng lifeline ang Golden State para may itapat kay LeBron James.

Hindi pa humuhupa ang usok ng pasabog ni James na lilipat na siya sa Los Angeles Lakers, gumawa agad ng pangontra ang Warriors.

Kinuha ng two-time defending NBA champions ang matagal nang karibal ni James, si All-Star center DeMarcus Cousins.

Nagkasundo raw ang Golden State at si Cousins sa one-year deal na nagkakahalaga ng $5.3 million. Nagpapagaling pa si Cou­sins sa torn Achilles tendon na nakuha noong January habang naglalaro sa New Orleans Pelicans.

Kilala sa kanyang shoo­ting sa malayo si Cousins, nag-tweet agad si Stephen Curry (@StephCurry30) ng “The 3rd Splash Brother. Let’s Go.”

Sina Curry at Klay Thompson ang tinagurang Splash Brothers ng Warriors dahil sa tikas tumira mula long range.

Nagkakagamayan na sina Cousins at Anthony Davis sa paglalaro sa Pelicans, pero natigil dahil sa season-ending injury.

Sa December pa inaasahang makakabalik si Cou­sins, pero kapag nagkataon ay lima na ang All-Stars ng Golden State kasama sina Curry, Thompson, Kevin Durant at Draymond Green.

Boston Celtics pa lang ang nakakapagparada ng limang All-Stars kina Jo Jo White, Charlie Scott, Dave Cowens, Paul Silas at John Havlicek noong 1975-76.