Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Demolisyon sa pandemya inawat

0 49

Para sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), dapat munang suspendihin ang mga demolisyon sa panahon ng COVID-19 pandemic lalo’t delikadong mamalagi sa mga lansangan.

Ayon sa PCUP, nagpasa na sila ng papel sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) para magbigay ng moratorium hingil sa mga demolisyon.

Nanawagan din si PCUP chairperson Alvin Feliciano sa isang panayam na itigil muna ang proyekto ng mga local at national government na makakaapekto sa tirahan ng mga informal settler.

“Sabi natin stay at home. Paano magiging stay at home ang isang urban poor at IFS (informal settler) kung wala na po itong tahanan,” lahad ni Feliciano.

Pinag-aaralan din ng PCUP kung pwedeng suspendihin din muna ang mga demolition project na nabigyan na ng court order.

Isa sa mga nademolis sa panahon ng pandemya ay ang mga tahanan sa loob ng National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City, kung saan tatayuan ang lupa ng hemodialysis center. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.