Abante Tonite Interactive

Demolition job lang — Acosta

420

Naniniwala si Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida Acosta na bahagi lamang ng demolition job laban sa kanya ang alegasyon na korupsiyon sa Office of the Ombudsman ni Atty. Wilfredo Garrido Jr..

Gayundin, isa lamang umano itong black pro-paganda para mabalewala ang mga isinampa niyang reklamo at ng mga biktima ng dengvaxia.

Iginiit ni Acosta na dalawang dekada na siya sa PAO pero kahit minsan ay walang n­angyaring korupsiyon.

P­inakamasakit umano sa kanya ang ginawang pagrereklamo dahil ginawa pa ito sa mismong araw ng kantang birthday.

Hinamon din niya si Garrido at iba pang PAO lawyers na gusto siyang mapaalis sa puwesto na patunayan nila ang kanilang alegasyon.

Sinabi ni Acosta na malinaw na malinaw kasi na may paglakamali na nangyari sa isinampa nilang kaso at mga kaanak ng mga batang nasawi matapos maturukan ng dengvaxia.

Gusto lamang umano ng ilan niyang kasamahan sa PAO na.mapaalis siya sa puwesto para mabalewala na ang mga kaso may kaugnayan sa dengvaxia.

Kasabay nito, nagbanta rin si Acosta na kakasuhan niya ng disbarment si Garrido sa sandaling hindi niya maoatunayan ang kanyang alegasyon.

Si Acosta ay inakusahan ng pagbili ng P13 mil-yon halaga ng office supplies na gagamitin sa paghahain ng mga kaso sa mga biktima ng dengva-xia sa kabila na may sapat naman na office supply . (Juliet de Loza-Cudia)