Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dengue case sa ilang rehiyon tinutukan ng DOH

0 102

Masusi ngayong binabantayan ng Department of Health ang ilang rehiyon sa bansa dahil sa paglobo ng dengue.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, kabilang sa nakitaan o iniulat na clustering ng kaso ng dengue ang ilang lugar sa Metro Manila, Region 4 A, Davao at General Santos.

Gayunman ay walang dapat ika-panic dahil bumaba pa ang bilang ng kaso ngayong taon kumpara noong 2020, ayon sa opisyal.

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang DOH sa mga regional offices upang maalalayan ng mga nakakasakop ng LGUs.

Mula Enero hanggang Oktubre ng 2020 ay nakapagtala ng 76,721 na kaso ng dengue kumpara sa kaparehong panahon ngayong 2021 na mayroon lamang 59,481 na kaso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.