Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dengue gumapang sa 14 rehiyon

0 63

Tumaas ang kaso ng dengue sa 14 rehiyon sa bansa, ayon sa pahayag ng Department of Health nitong Miyerkules.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 39,705 ang kabuuang bilang ng kaso ng dengue na naitala noong Enero 1 hanggang Hunyo 4. Umakyat umano ng 31% kung ikukumpara sa tala noong nakaraang taon.

Aniya, ang Central Visayas, Central Luzon, at Zamboanga Peninsula ang may pinakamataas na kaso.

SM food to go Banner Ad

“Yun pong ibang mga regions, we’re already noting increasing trends in recent 4 morbidity weeks. Fourteen of 17 regions nakapag-exceed ng epidemic thresholds for the past 4 weeks.”

Sa ngayon ay nasa 202 na ang bilang ng mga nasawi sa taong ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.