Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dengue sa Baguio lumobo

0 149

LOMOBO ng 155.69 porsyento ang kaso ng dengue fever sa Baguio City, ayon sa Baguio City Health Service (BCHS).

Ayon sa BCHS, base sa pag-aaral ng City Epidemiology Surveillance Unit (CESU), napag-alaman na 202 kaso ng dengue fever ang nailissta mula nitong Enero 1 hanggang Hunyo 19, mas mataas kumpara noong nakalipas na taon na 79 lang ang kaso sa parehong buwan.

Napag-alaman na ang mga edad na biktima ng nasabing sakit ay mula 8-buwan hanggang 90-anyos na kung saan 30% na age group ito ng 10-14 at 15-19 na karamihan ay mga kababaihan.

Sinabi ng ahenya na naobserbahan ang pagtaas ng dengue fever sa Baguio noong Mayo hanggang Hunyo. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.