Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dengue sa Bulacan, bumaba

0 88

Nakapagtala ang Provincial Health Office – Public Health ng 1,395 na mga suspected dengue cases mula Enero 1 hanggang Mayo 29, 2021 na mas mababa ng 20 porsyento kumpara sa 1,734 na kasong naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Nasa edad isa hanggang 100 ang apektadong populasyon kung saan mga edad 11-20 ang pinakamaraming kaso. Tatlo naman ang namatay na may kinalaman sa dengue.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando ng Bulacan na maituturing na tagumpay ang nasabing datos dahil hindi na kakayanin ng lalawigan ang pagdagsa ng mga tao sa ospital habang humaharap ang mundo sa pandemya.

“Dumating na ang tag-ulan, hindi natin dapat ipagwalang bahala ang iba pang mga sakit na banta sa kalusugan ng ating mga kababayan,” ani Fernando. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.