Abante Tonite Interactive

Dengue sa Dagupan bumaba

192

Bumaba na ang kaso ng dengue sa Dagupan City ngayong taon.

Gayunma’y hindi dapat maging kampante ang publiko lalo nga-yong papasok na ang panahon ng tag-ulan, ayon sa Dagupan City Office (DCHO).

Sinabi ni DCHO officer Dr. Phelia Rivera na best prevention pa rin ang palagiang paglilinis sa paligid at matutong sumunod sa mga ibinibigay nilang paalala upang makaiwas sa anumang uri ng sakit.

Ayon kay Rivera, nagsagawa na rin ang DCHO ng misting ope-ration sa mga public schools upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng dengue sa nasabing lungsod.

Aniya, hindi rin maiiwasan ang paglusong sa baha kaya naman pinapayuhan nito ang mga Dagupeno na uminom na lamang ng gamot para hindi tamaan ng leptospirosis. (Allan Bergonia)