Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dengue sa Ilocos natapyasan

0 48

Halos 81 porsiyento ang ibinaba ng kaso ng dengue sa buong Region 1, ayon sa Department of Health-Region 1 (DOH-R1) kahapon.

Base kay DOH-R1 medical officer Dr. Rheuel Bobis, ayon sa kanilang pinahuling datos, simula noong Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan, aabot sa 619 katao ang na-diagnose ng naturang sakit.

Ayon kay Bobis, sa naturang bilang, tatlo umano ang namatay na mga residente ng Pangasinan, Dagupan City at La Union.

Ayon sa opisyal, bagaman mababa ang naitatalang kaso sa Ilocos Region ay nakatutok pa rin umano ang kanilang opisina sa pagbabantay lalo na at inaasahang sa mga susunod na buwan ay mas prone pa ang bansa mula sa naturang sakit. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.