Dengue sa Pangasinan lumala
Patuloy ang pagtaas ng kaso ng dengue sa Pangasinan, base sa ulat ng Pangasinan Health Office (PHO) surveillance monitoring.
Ayon kay Dr. Ana de Guzman, PHO officer, may 8,182 naitalang kaso ng dengue mula Enero hanggang Nobyembre 4 at 11 na ang kumpirmadong patay dito.
Ayon sa opisyal, sa datos ng nasabing sakit ay mas mataas ngayon ng 8% ang dengue case kumpara noong isang taon na may 7,554 na biktima ng dengue at 25 ang namatay dito.
Ang mga watchlist na lugar sa Pangasinan kung saan may mga kaso ng dengue ay ang San Carlos City, na nakatala ng 680 na kaso, Bayambang, 511; Malasiqui, 457; Lingayen, 425; at Calasiao, 250.
Sinabi pa ni De Guzman na ang patuloy na pag-ulan, mga nakaimbak sa tubig sa kapaligiran at kulang sa environment clean-up ang No. 1 na dahilan ng pagkakaroon ng dengue. (Allan Bergonia)