Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dengue sumirit sa Baguio

0 88

Tumaas nang 700% ang mga kaso ng dengue sa Baguio City, ayon sa Baguio City Health Service Office (BCHSO).

Batay sa BCHSO kahapon, nakapagtala sila ng mahigit na 1,000 kaso ng dengue sa siyudad mula Enero hanggang Oktubre 4 ngayong taon, na mas mataas kumpara sa 100 na naitala sa parehong buwan noong taong 2020.

Ayon sa ahensiya, nakapagtala sila ng 10 katao na namatay dahil sa nasabing sakit.

Dahil dito, hinikayat ng BCHSO ang mga residente ng Baguio City na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran at tanggalin ang mga lugar kung saan namamahay at nangingitlog ang mga lamok na pinagmumulan ng ‘dengue-carrying mosquitoes.’ (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.