Abante Tonite Interactive

Dengvaxia supplemental budget aprub

By
1,878

Lusot na sa ­Kamara ang P1.16 bilyong Dengvaxia supplemental budget.

Pakay nito na maayudahan ang mga naturukan ng kontrobersyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Sa botong 231 (yes), 0 (no) at walang abstention, ay inaprubahan ng Kamara ang naturang panukala na sinertipikahang urgent ng Malacañang.

Abante Hiring – IT dep

Huhugutin ang pondo sa refund ng manufacturer ng Dengvaxia na Sanofi Pasteur mula sa mga hindi nagamit na bakuna.

Bibiyakin ang pondo at sinasabing P945.8 milyon ay ilalaan para sa medi­cal assistance ng mga nabakunahan ng Dengvaxia.

Umaabot sa P148.2 milyon ang para sa public health management at P67.5 milyon para sa human resource health deployment.