Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Denise kakasa kina AJ, Angeli, Ayanna

0 79

NI: ARCHIE LIAO

Ang mga alaga ng talent manager na si Jojo Veloso na sina AJ Raval, Angeli Khang at Ayanna Misola ang frontrunners sa paseksihan sa mga pelikulang ipinapalabas sa Vivamax.

Kaya hindi kataka-takang sila ang mga bagong pinapantasya ng mga barako at kalalakihan.

But wait, may hahabol pa sa listahan.

Siya ay walang iba kundi ang dating PPop Generation member at Viva artist na si Denise Esteban.

Sa pelikulang ‘Kaliwaan,’ walang takot siyang naghubad.

Sa bago niyang pelikulang ‘Doblado,’ mas mapangahas daw ang kanyang ipakikita dahil launching movie niya ang nasabing erotic drama.

Aniya, ready na raw siyang makipagsabayan kina AJ , Angeli at Ayanna.

Ayon kay Denise, bata pa lamang daw ay pinangarap na niya ang mag-artista.

Ang pagpapaseksi raw sa pelikula ay gusto niyang gawing stepping stone para makilala siya bilang magaling na aktres.

Katambal niya sa ‘Doblado’ ang dating PBB housemate na si Josef Elizalde na nagbida sa X-Deal2.

Mula sa direksyon ni GB Sampedro, kasama rin sa cast sina Stephanie Raz, Kat Dovey, Mark Anthony Fernandez, Gwen Garci at iba pa.

Mapapanood na ang Vivamax original movie simula sa Mayo 6.

Leave A Reply

Your email address will not be published.