Abante Tonite Interactive

Denise at Shaina, maninindigan sa PAG-IBIG

Shaina Magdayao
8

MAGUGULO muli ang buhay nina Camille (Shaina Magdayao), Marco (Carlo Aquino), Rafael (JC De Vera) at Bianca (Denise Laurel) dahil ang wagas nilang pag-ibig ang mag-uudyok upang ipag­laban ang kanilang mga kabiyak sa Kapamilya afternoon series na The Better Half.

Mas marami pang aabangan ang mga manonood ngayong hindi na magpapapigil ang apat na manindigan para sa kanilang pagmamahal.

Kaabang-abang ang mga kaganapan sa muling paglalapit ng puso nina Rafael at Camille.

Abante Hiring – IT dep

Sabay sa pag-amin ng dalawa ang pagdeklara ni Marco ng intensyong ligawan muli si Camille sa paniniwalang handa na itong muling umibig.

Hadlang pa rin sa kanyang pagmamahal si Rafael, ngayong ito pa rin ang nilalaman ng puso ng babaeng kanyang minamahal.

Hindi pa rin maaawat sa mga plano niya si ­Bianca.

Mas matapang na rin ito ngayong nasa likod niya na ang kanyang ama matapos aminin ang panghahalay sa kanya ni Juancho (Epy Quizon).

Patuloy na panoorin ang mga buhay na pinagsama-sama at sinira ng pag-ibig sa The Better Half, pagkatapos ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN.