Abante Tonite Interactive

Dennis 2 beses tinuka si Jennylyn sa stage

880

First time nag-I love you sa publiko

NI: VINIA VIVAR

Isang malaking tagumpay ang first ever, sold-out concert nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na ginanap last Saturday, Feb. 15, 2020 sa New Frontier Theater. A week before the concert ay inanunsyo nang sold-out na ang tickets and true enough, punong-puno ang 2,385-capacity venue.

Sobrang nakakakilig ang finale number ng JenDen sa CoLove Live concert. Inawit muna nila ang “After All” na una nilang kinanta sa You Tube channel nila at sa ngayon ay ito ang most viewed videos nila with almost 4 million views.

Pagkatapos umawit ay nag-dim ang lights at makikitang hinalikan ni Dennis sa lips si Jen na first time ginawa ng aktor in public.

For their last number ay inawit naman nila ang “Nothing’s Gonna Stop Us Now’ and after the song ay nagpasalamat ang dalawa sa isa’t isa at nagyakap.

Dito ay sinabihan ni Dennis si Jen ng “I love you” at saka mahigpit na niyakap at pagkatapos ay hinalikan niya itong muli sa lips. Sobrang nakakakilig ang atmosphere lalo pa nga’t first time itong sinabi rin ng aktor in public sa girlfriend.

Anyway, nahati sa tatlong chapters ang concert na nagsimula ng 8:30pm at natapos ng mga 10:30. Ang tatlong bahagi na ‘yun ay naglalaman ng love story ng JenDen. The show opened up by Jen and Den’s video at ikinukuwento kung paano sila nagkakilala at nagsimulang magkarelasyon. Bagama’t hindi na binanggit ng JenDen kung kailan sila unang nagkaroon ng relasyon, sa pagkakatanda namin ay 2010 ito.

Ayon kay Dennis, nakilala niya si Jen sa panahong medyo madilim ang kanyang buhay. Para naman sa aktres, wala siyang love life that time at okay lang naman daw ito for her dahil ang priority niya ay ang kanyang kaisa-isang anak na si Alexander Jazz na love child nila ng ex-boyfriend na si Patrick Garcia.

“Ang sarap kasi ng feeling na nakaka-relate kayo sa isa’t isa. Na nauunawaan niya ang sitwasyon mo,” sabi ni Jen sa video.

She added, “I am really thankful siyempre, na nakilala ko ‘yung lalaking hindi lang ako mahal, mahal din siyempre ‘yung anak ko, pati pamilya ko.”

Sey naman ni Dennis, “walang best foot forward kay Jen. Minahal niya ako kung sino ako. Naging totoo lang ako sa kanya at tanggap niya ako. At siyempre, ganu’n din ako sa kanya. ‘Yun talaga for me, ang true love. At nahanap ko kay Jen ‘yun.”

Pagkatapos nito, the couple appeared on stage wearing all-red and performed a medley of oldies but goodies love songs namely, “Sad To Belong,” “Thinking Of You,” “Closer You & I” and “Kapag Tumibok ang Puso.”

Sa opening spiel ay ikinuwento nina Jen and Dennis kung paano nagsimula ang CoLove na as we all know ay name ng You Tube account ng JenDen na naglalaman ng kanilang mga live duet cover songs.

Pareho raw kasi silang mahilig sa music kaya naisip nilang kumuha ng malaking music studio at mag-invite ng mga musicians and guest artists.

Jen revealed na ang ginawa nilang music studio ay ang dating kuwarto ng namayapang inang si Lydia Mercado.

“Pag kumakanta kami do’n, feeling ko, parang nakiki-jam din siya sa amin,” saad ni Jen.

“At sigurado ko, for sure, nae-enjoy ni Mommy Lydia ang jamming sessions natin do’n kasi marami sa mga kanta namin ni Jen ay mga classic songs nun’g 80s saka 90s,” sey naman ni Dennis.

Pagkapos nito ay nag-perform na ang power couple ng kanilang second number, ang duet nila ng “Time of My Life.”

Parte pa rin ng Chapter 1 ang “barkadahan” number ni Dennis kasama sina Nar Cabico, Nico Antonio and Juan Miguel Severo. They performed “Ligaya” and “Ikaw ang Miss Universe.”

Pagkatapos nito ay um-enter naman si Alex Gonzaga at talagang super naaliw kami sa banter nila ni Jennylyn na nag-change outfit na, this time a sexy green gown.

Nagbiro si Alex na parang ABS-CBN ang suot nilang color dahil naka-red siya at naka-green naman si Jen.

“Si Dennis ba ay naka-blue kasi parang pa-ABS-CBN na tayo,” natatawang sabi ni Alex.

Janno nambitin sa concert

Pagkatapos ng number nina Alex and Jen ay frontman naman ng South Border na si Jay Durias ang nag-perform singing the old hits of the group na Ikaw Nga, Love of my Life and Kahit Kailan.

Supposed to be, after this ay number nina Jen and Janno Gibbs na isa sa guests pero inanunsyo ng aktres na hindi raw makakarating ang nasabing singer. Hindi na bago ang pambibitin ni Janno sa concert. Hindi rin siya sumipot sa nakaraang birthday concert ni Kiel Alo sa Music Museum na kung saan ay nag-walkout si Morissette Amon.

Kaya to the rescue si Nar Cabico who filled in Jen and Janno’s duet numbers and performed “Fallin” and “If I’m Not In Love With You.”

Madikit lang sa kung sino, pagseselosan

Nagsimula ang Chapter 2 ng CoLove Live sa VTR nina Jen and Dennis relating their break-up in 2011.

“Siyempre, papasok ‘yung mga challenges sa relasyon. Mga away, mga ‘di pagkakaunawaan. Mas nakikilala n’yo ang isa’t isa, eh. Mas nakikita n’yo rin kung ano ‘yung gusto o ayaw n’yo ru’n sa isang tao,” ani Dennis sa video.

Sabi naman ni Jen, “hindi naman kaila sa madami ang paghihiwalay namin. Like other break-ups siyempre, masakit, mabigat sa dibdib.”

Pahayag ulit ni Dennis, “I think, wala namang taong intensyon na masaktan ‘yung mahal nila. May mga nagagawa tayo na kung pinag-isipan natin nang maiigi ay hindi na lang sana natin nagawa. May mga nasasabi tayo na sana, hindi na lang natin sinabi.”

Sabi naman ulit ni Jen, “we were immature then. Maliit na bagay, pag-aawayan, madikit lang sa kung sino ay pagseselosan.”

Ayon naman kay Dennis ay pinairal nila ang kanilang mga emosyon at ayaw nilang magpatalo sa isa’t isa.

“May mga nangyari talaga para i-test ‘yung tibay ng relationship n’yo. Unfortunately for us, noong panahong ‘yun, eh, hindi namin na-survive ‘yung test. We felt that we were not good for each other, so it’s best for us to part ways,” sabi ni Jen.

Pagkatapos nito ay nag-duet sina Jen and Den ng “Separate Lives”, this time ay pareho naman silang naka-brown.

KimErald ninakawan ng eksena ang JenDen

Sa Chapter 2 ay guests naman ang KimErald (Kim Molina and Jerald Napoles) na panalo ang duet number na “Luha” at “Basang Basa Sa Ulan.” War mode ang drama nila. Sa lupit ng performance nila ay mukhang ninanakawan nila ng eksena ang JenDen.

Isa pang naaliw ang mga tao ay kay Nyoy Volante na kumanta ng Nasaan Ka Na at Someday na duet with Dennis.

Take note na ang Someday ay kanta ng ex-girlfriend ni Nyoy na si Nina kaya nakakatuwa siyang panoorin and in fairness, ang ganda naman ng rendition nila ni Dennis.

Pagkatapos nito ay enter naman si Carlo Aquino at bago umawit ay may hugot line siyang nilitanya kaya sigawan ang audience. Aniya ay hindi raw porke’t walang love life ay malungkot na dahil nandiyan pa rin naman ang mga kaibigan at pamilya. He performed “Say My Name.”

Pagkatapos nito ay nag-duet ulit ang JenDen ng medley of break-up songs namely, “Let Me Be The One,” “Paalam Na,” “I Love You Goodbye” and “Before I Let You Go.”

Si JK Labajo ang nagsara ng Chapter 2 with his signature song, Buwan pero medyo iniba niya ang arrangement at pagkakakanta nito na in fairness, maganda pa rin. Sigawan at palakpakan ang mga tao.

Trillo na-miss si Mercado

Tulad ng naunang dalawang chapters, ang last chapter ay nagsimula muli sa VTR nina Jen and Den na ikinukuwento naman kung paano sila nagkabalikan in 2015.

Sa kuwento ng dalawa ay si Dennis ang unang nag-reach out pagkatapos ng ilang taon nilang paghihiwalay.

“Siguro, parehong wala na sa amin ‘yung nangyari nun’g time na nag-text ako,” kwento ni Dennis. “Kasi, wala, na-miss ko lang talaga siya (sigawan).”

Patuloy ng aktor, “bumalik kami sa pagiging magkaibigan, hanggang sa nakilala namin ulit ang isa’t isa. Malaki talaga ang nagagawa ng panahon.”

Ayon kay Jen, malaki na rin ang ipinagbago nila that time at sey naman ni Dennis, doon nila naisip na bakit hindi nila bigyan ng chance ang isa’t isa.

“Baka nakilala namin ang isa’t isa sa maling panahon kaya hindi nag-work. Pero hindi ibig sabihin na hindi na ito magwo-work ever. Kasi lahat naman ng mali, di ba, maaari nating itama kung gugustuhin,” sabi ni Jen.

Kinilig naman ang audience sa sumunod na sinabi ni Dennis.

“Everyone deserves a second chance, ‘ika nga nila. Mahal ko talaga, eh. Lalo na nun’g nagkabalikan kami. Mas masasabi ko talaga na mahal na mahal ko ‘tong taong ‘to,” ani Dennis. Sigawan ang audience.

“He is my one great love,” Jen said.

“She is the one who got away,” sabi naman ni Dennis, “well, almost.”

Ani Jen ulit, “hindi totoong walang forever, kasi may forever kung gugustuhin natin.”

At pagkatapos ay nag-duet sila ng “Starting Over Again.”

Alden nagpakilig ng mga love song

Si Alden Richards ang pinahuling kumanta sa mga guests. He performed a medley of love songs (I Swear, This I Promise You and As Long As You Love Me).

Sobrang thankful nina Jen and Dennis na pinagbigyan sila ni Alden. Ayon naman sa Asia’s Multimedia Star, fan siya ng dalawa hindi lang dahil sa magaling na artista ang JenDen dahil mabubuting tao raw ang mga ito.

“Fan ako kasi tao sila, mabubuti silang tao. Witness ako du’n, nakasama ko sila sa mga proyekto ko sa GMA, isa sila sa mga rare gems ng industriya kaya proud ako na nakasama ako sa concert nila na CoLove,” sabi ni Alden.

Samantala, halatang nag-enjoy ang lahat sa show dahil even after the last number ay nag-stay pa ang mga tao at dinumog sina Jen and Dennis sa stage. Masaya namang nagpa-picture ang dalawa sa mga fan upang ipakita rin ang pagmamahal nila sa mga ito.

Nagustuhan namin ang concept ng show na kuwento ng love story ng JenDen. Pati ang mga choice of songs nila ay magaganda at lahat ng guest performers ay magagaling din.

Sina Jen and Dennis ang mismong ng-produce ng CoLove Live at ang Quantum ni Atty. Joji Alonso. Ito ay sa direksyon ni John Prats.