Abante Tonite Interactive

Dennis, Alexa flop ang pelikula Maine-Carlo movie lalong humina sa huling araw

807

ROMMEL PLACENTE: Bihira na lang talaga ang mga pelikulang kumikita ngayon. Sino ba ang mag-aakala na ang pelikulang “Isa Pa, With Feelings” ay hindi rin gaanong tinangkilik ng publiko to think na ang bidang babae rito ay si Maine Mendoza, huh?

Ang pelikula ni Sarah Geronimo na “Unforgettable” ay hindi rin daw sapat para sa isang Sarah movie. How true na mas pinanood ang “Jowable” na ang bida ay si Kim Molina? Nauna pa itong ipinalabas kesa movie ni Sarah pero palabas pa rin ito sa ibang mga sinehan.

Sino ang mag-aakala na kikita ang “Jowable” to think na ang bida ay hindi naman sikat? Hindi mo talaga maintindihan kung anong pelikula ang papasa sa panlasa ng moviegoers. Maraming nakapanood na ng “Unforgettable” ang nagsasabi na maganda ang pelikula.

Soon to release na rin ang pelikulang “Guerrero Dos: Tuloy Ang Laban” mula sa EBC Films na ang bida rito ay sina Genesis Gomez at Juio Cesar Sabernorio. Napanood na namin ito sa advance screening nito. At highly recommended namin na panoorin dahil napakaganda ng pelikula. Sana ay tangkilikin din ito ng publiko.

Ma-promote lang din sana ito nang husto para malaman ng tao na may ganito kagandang pelikula. May upcoming movie rin sina Lovi Poe at Joem Bascon, Ruru Madrid at Jasmine Curtis Smith, ano kaya ang kahihinatnan nito sa takilya? Abangan!

RONA RONDA: Habang patagal nang patagal ay humihina nga ang mga pelikulang lokal sa takilya. Dapat ganitong Nobyembre ay maraming local horror films ang mapapanuod pero mukhang flop pa. Ito ang horror film na “Hellcome Home” na pinagbibidahan ni Dennis Trillo.

Babawi kaya sa takilya ang darating na Metro Manila Film Festival?

RODEL FERNANDO: Nakakabahala talaga na magtatapos na lang ang taon ay hindi pa rin maganda ang nagiging resulta sa takilya ng mga pelikulang inilalabas sa mga sinehan.

Ngayong Nobyembre ay marami na namang local films ang iso-showing at sana naman ay palarin sa box-office.

Kabilang sa mga pelikulang ipapalabas ay ang “The Heiress” ni Maricel Soriano, “Nuuk” ni Aga Muhlach at “The Annulment” ni Lovi Poe. Alin kaya sa tatlong ito ang magiging havey sa takilya o magiging waley ang resulta? Hindi mo na kasi ngayon alam kung sino ang kikita at laging suntok sa buwan kapag may mga pelikulang ipinapalabas.

Basta ako mga ka-Cuatros, may palagay ako na ang pelikula ni Lovi Poe kasama si Joem Bascon ang puwedeng kumita. Puwede rin naman ang horror film ni Maria. ‘Yung pelikula nina Aga ay no comment muna ako. Sana hindi matulad ang sinapit sa takilya ng “HellCome Home” nina Dennis Trillo at ang horror film na “Santigwar” ni Alexa Ilacad.

MILDRED BACUD: Nakakalungkot nga. Unpredictable talaga kung sino ang pelikulang kikita at hindi. Ang subok na nga sa box-office record na si Sarah Geronimo na kahit maganda ang feedback sa pelikula niyang “Unforgettable” ay P5.1 million lang sa first day. Ayaw siguro ng manonood na wala siyang kapareha sa pelikula. Ang mga sumunod na movies ay waley rin. Magtataka pa ba eh ‘di ba ang inaasahang blockbuster sana na pelikulang “Isa Pa, With Feelings” nina Carlo Aquino at Maine Mendoza ay humina pa sa mga huling araw na pinalabas ito?

Ganunpaman, marami pa namang producers ang ganadong mag-produce lalo’t makabuluhan ang kanilang pelikula tulad ng “Guerrero Dos” na balak ding ipalabas sa ibang bansa, ang “The Closure” na very interesting dahil ang producer nito ay si Madam Maeanne Pineda na dating extra sa pelikula. Marami pa rin ang nagmamahal at naniniwala na magsasalba sa film industry.