Abante Tonite Interactive

Dennis at Jennylyn ikakasal sa Balesin?

By
2,449

Panalo sa tamis ang post ng mag-sweetheart na Jennylyn Mercado at Dennis Trillo habang nasa Balesin Island Club sila.

Wagi ang silhouette shot ng DenJen na magkayakap sila’t parang magki-kiss habang nagsa-sunset sa background.

Ume-FHM covergirl naman si Jen sa swimsuit shot niyang nakaluhod sa may beach. Ang sexy ng bida ng The Cure. PAK!
Wagi rin ang kurbada ni Jen du’n sa post naman ni Dennis sa IG na magkayap sila by the beach na kitang-kita ang tambok ng kanyang puwet.

Parehong may post ang DenJen ng group shot nila sa Balesin.

Mukhang outing ‘yon ng pamilya ni Dennis dahil may nakita kaming pics ng buong family niya, tapos ay kasama nila si Jen.

Part na talaga ng pamil­ya ni Den si Jen, kasal na lang ang kulang. Sa Balesin din kaya nila balak gawin ang kanilang wedding?