Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dennis ayaw nang umepal kay Julia

0 459

Sa pambihirang pagkakataon, nakausap ni Julia Barretto ang kanyang ama na si Dennis Padilla sa episode na QUESTIONS I’VE NEVER ASKED MY DAD’.

Naungkat dito ang isyu tungkol sa di nila pagkakaunawaan noon nang tanungin ni Julia si Dennis nang “What was your

greatest lesson from our past misundertandings?”

“Number one, I should have listened first, I should not have given my opinion first. Kung baga, parang ‘Dennis, wag ka munang makialam. Alamin mo muna ‘yung puno’t dulo. Bakit hindi mo muna tanungin si Julia?’,”sey ni Dennis.

Tahasan ding sinabi ng aktor na hindi niya maintindihan anong dahilan kung bakit kailangang ipatanggal ang epelyido niya.

“ Makakabawas ba ito sa pagkatao mo? No. Makakabawas ba ito sa popularity mo? No,”lahad ni Dennis.

Paliwanag naman ni Julia, ito raw iyong mga panahong na-trauma at natakot siya sa ama lalo na nang mapawalang-bisa ang kasal ng ina kay Dennis.

“But then again, Pa, just to repeat myself, when you signed those papers to make your marriage with mom null and void, ultimately, that made us your illegitimate children so we were trying to correct your mistake. But I think one of your frustrations is you think you didn’t get the communication that you wanted,” hirit ni Julia.

Ayon pa kay Julia, natutuwa rin daw siya na malaki na ang ipinagbago ng ama pagkatapos na malagay ito sa peligro dahil sa Covid-19.

“You’re so much a better person now and I can see it and I’m happy that you reach this point, honestly,” bulalas ni Julia.

Pahayag naman ni Dennis, sey ng mga kaibigan niya kaya raw siya nakaligtas sa Covid-19 ay dahil marami siyang anak na nagdarasal para sa kanya.

Hirit pa niya, aminado raw siyang marami siyang atraso sa kanyang mga anak tulad ni Julia at sa abot ng kanyang makakayanan ay gusto niyang makabawi sa mga ito sa kanyang pangalawang buhay.

Dagdag pa niya, isa rin daw sa mga regrets niya ay pagiging bulagsak niya sa pera noong panahon ng kanyang kasikatan.

@@@

Lucy palaban sa mga aaswang kay Goma

Nag-celebrate ng first year anniversary ng kanyang vlog si Richard Gomez sa kanyang YouTube channel.

Nagsilbi rin itong pagdiriwang ng kanilang 23rd anniversary bilang mag-asawa ng House Representative na si Lucy Torres.

Ipinagluto ni Richard ang kanyang misis ng pasta at grilled tuna samantalang tumulong naman si Lucy sa pagse-set ng kanilang dining table outdoors.

Umayuda rin si Lucy sa pagpitas ng basil leaves sa kanilang farm bilang paboritong ingredient sa kanilang pasta.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ani Lucy,mula nang magkaroon ng pandemya ay hindi na raw sila kumakain ng manok dahil naging kaibigan na nila ang mga ito.

Sa bakuran kasi nila ay nag-aalaga sila ng chicken samantalang sa bahay nila ay may pet silang baboy.

Dagdag pa ng Congresswoman, hindi raw siya nagluluto at masuwerte siyang meron siyang hubby na isang good cook na namana ang talento sa kanyang lola.

Sa menu ni Richard, pansin na mahilig siyang sahugan ito ng maraming bawang.

Aniya, panlaban daw ito sa mga aswang.

Hirit naman ni Lucy, kung babae raw ang mang-aaswang sa kanyang mister, aborted na raw agad ang mission nito dahil alam niya kung paano protektahan si Richard sa mga mang-aagaw dito.

Malakas din daw kasi ang radar niya sa mga babaeng nang-aaswang.

@@@

Howie Severino muntik nang makalulon ng butiki

May kakatwa at kakaibang karanasan ang award-winning Kapuso broadcast journalist na si Howie Severino habang umiinom siya ng power shake.

Ito ay kanyang ibinahagi sa kanyang Facebook page.

Ani Howie, kumukunsumo raw siya ng power shake to boost his immune system.

Subalit ang experience raw niya kamakailan ay dapat magsilbing babala sa karamihan na dapat laging tiyakin ang kaligtasan at kalinisan sa lahat ng pagkakataon.

Muntik na raw kasi siyang makalulon ng butiki habang umiinom ng healthy drink.

Mabuti na lamang daw at bago niya naubos ang iniinom ay napansin niya ang butiki na lumalangoy sa kanyang inumin.

“Anyway, yesterday, my son and I were enjoying our daily elixir. After I put down my glass for a moment, I was sipping its thick and greenish contents when I felt something tickling my lips. When I looked inside my glass, there was a butiki (a common house lizard) looking back at me with its beady eyes, appearing as surprised as I was.

It had dived or fallen into my glass without notice and was probably enjoying a cold, milky bath when my mouth invaded his space. If I had consumed my power shake more ravenously, I might have swallowed the butiki, and who knows what I’d be writing now (maybe from a hospital bed?),” aniya.

Si Howie ay isang Covid-19 survivor na naidokumento ang kanyang pakikipaglaban sa mapaminsansalang coronavirus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.