Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dennis da Silva inabsuwelto sa rape ng `anak’

0 797

Matapos ang halos 19 na taong pagkakakulong ng dating aktor at ex-member ng “That’s Entertainment” na si Dennis da Silva ay binawi ng stepdaughter nito ang akusasyon ng panghahalay sa kanya.

Base sa January 20 episode ng “Wated sa Radyo” ni Raffy Tulfo, inilantad ni Kadean Paz, 34 na ngayon, na hindi totoong ni-rape siya ni Da Silva.

Aniya, na-pressure lang siya dahil maraming kumakausap sa kanya noon pati umano pamilya niya.

Ang ate niya diumano at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nag-initiate ng kasong rape at nalaman na lang niya ito nang maisampa na ang kaso.

Nagpadala umano siya ng sulat kay Da Silva at humingi ng tawad sa nangyari.

Batay sa sulat, gusto niyang mapawalang-sala si Da Silva.

SM food to go Banner Ad

Nang tanungin ni Tulfo kung hindi ba nito binabawi ang akusasyong panggagahasa ni Da Silva, sinabi ni Paz na: “Binabawi ko po. ‘Yon pong part na ‘yon hindi po totoo ‘yon, sila lang po, ‘yong mga authorities lang po, ‘yong mga taong pumalibot na lang po sa akin ang nag-input po sa akin na ‘yon ‘yong ginawa. `Yon ‘yong nangyari pero ako kasi sabihin na nating bata ako noon 14 years old pero I think I am capable enough to think that… what forced and what’s not. And it wasn’t happen by forced.”

Sinubukan daw niya noong iurong ang kaso pero marami raw `consequences’ na sinasabi sa kanya at dinala pa siya sa DSWD.

Nag-ugat umano ang insidente nang may mangyaring gulo sa kanilang bahay kung saan lasing si Da Silva at nasa police station sila.

Ayaw na raw ng ate niyang bumalik si Da Silva sa kanila.

Magugunitang hinatulan si Da Silva ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakulong matapos mapatunayan ng Pasig City Regional Trial Court na guilty siya sa 15 counts ng rape.

Inaresto siya noong 2002 dahil sa diumano’y panghahalay sa 14-anyos na anak ng kanyang live-in partner. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.