Abante Tonite Interactive

Dennis ‘di lang taga-tikim ng cookie ni Jennylyn

By
458

tonite-imo-vinia-vivarHindi akalain ni Jennylyn Mercado na magiging instant success ang binuksan niyang online cookie na recipe niya mismo. Dinudumog ito ng mga orders ngayon at iisa ang sinasabi ng lahat – napa­kasarap at napakalaki.

Sa kanyang gues­ting sa “Sarap Di Ba?” ay ikinuwento ni Jen kung paano nag-start ang kanyang negosyo.

“Tinext ko siya tita Becky (Aguila, her mana­ger). Sabi ko, “tita, parang gusto ko na siyang gawing parang business. Kasi ‘yung cookies ang pinakamadaling i-bake, eh.

“Tapos, sabi ko sa kanya, gusto ko siya talagang gawing business. Kahit magi-start muna ako online, para lang i-test.
“Hindi namin in-expect na sobrang daming response, ang daming orders,” pahayag ni Jen.

Natatawa pa niyang sey, “ayun, napagod na ‘ko.”

Siya raw kasi talaga mismo ang nagbe-bake ng mga cookies at every Sunday daw niya ito ginagawa.

“Ang order namin sa isang araw, umaabot ng 700-800. So, medyo, kailangang gumigising na nang madaling-araw. Saka kumuha na rin ako ng assistant,” sey niya.

Naisip daw niyang gawing malaki dahil wala pa raw nagtitinda ng ganu’n kalaking cookie rito sa atin sa Pinas.
“Tapos, sabi ko, para lang maiba, mas malaki, tapos chewy, tapos ‘yung pwede nilang i-heat, kasi umaabot siya hanggang two weeks basta ilalagay lang sa freezer para ma-preseve,” she said.

Tinutulungan din daw siya ng boyfriend na si Dennis Trillo sa pagbe-bake.

“Minsan, nagmi-mix siya, tinutulungan niya ako,” proud na kuwento ni Jen.

In the future ay gusto naman daw niyang magkaroon ng physical store na parang café para doon na raw bibili ang mga customers ng cookies and at least ay fresh pa raw nila itong makukuha.

Samantala, isa na namang award ang nakamit ni Jen nang parangalan siyang Female Endor­ser of the Year sa 2018 Comguild Media Awards. Sa kanyang Instagram Story ay nagpasalamat ang Kapuso Ultimate Star sa nasabing rekognisyon.

***
Max-Pancho ayaw pang magka-baby

Masayang-masaya ngayon si Max Collins sa kanyang married life. Matatandaang ikinasal sila ng Kapuso actor na si Pancho Magno noong December 11 noong nakaraang taon kaya malapit na silang mag-celebrate ng kanilang first anniversary.

Ayon kay Max, mas domestica­ted daw pala sa kanya ang mister na hindi niya talaga akalain.

“Siya ‘yung nagluluto, ako talaga, wala. Kain lang kami ng kain. Kung ano ‘yung niluluto niya, ‘yun ang kinakain namin. A vey doting husband siya. So, binebeybi niya rin ako, to an extent,” ani Max nang makausap namin sa presscon ng Rainbow’s Sunset.

Kelan naman nila binabalak magkaroon ng baby?

“Wala pa pong baby, kailangan pa pong mag-work. Ayoko pong ma-pack-up ang taping ko,” natatawa niyang sabi.

Sa ngayon daw kasi ay sunod-sunod din ang work niya kaya ito muna ang inuuna nila.

“Kasi siyempre, hindi ako makakapagtrabaho kung buntis ako. If pag may work na duma­ting, so kailangang on-hold muna ‘yung baby.”
Okay lang naman daw kay Pancho dahil mayroon nga rin itong ginagawa ngayon at mayroon din silang bagong show na magkasama.

“Mayroon kaming show, parang hindi pa po pwedeng sabihin, pero for GMA News TV siya. It’s a hosting show. Family-oriented po siya. First time na­ming magho-host together ng isang show,” pagbabalita niya.

Ang pagkakaroon daw ng baby ay darating daw at the right time.
Attachments area