Abante Tonite Interactive

Dennis ‘di pa ready pakasal kay jennylyn

913
Sa presscon ng pelikulang “One Great Love” ay inamin ng isa sa bida ritong si Dennis Trillo na natagpuan na niya ang kanyang one great love.
Sa one-on-one tsikahan sa stars ng naturang movie mula Regal Entertainment na tinatampukan din nina Kim Chiu at JC de Vera, inusisa namin ang Kapuso actor sa kanyang one great love.
“Gusto kong isipin na natagpuan ko na siya,” pakli ni Dennis.
Si Jennylyn Mercado ba iyon?
Sagot ni Dennis, “Sa palagay ko ay oo, kasi, wala namang iba, siya lang talaga. And masaya kami ngayon eh, kaya gusto kong maging idealistic at positive na siya nga sana, ‘di ba?”
Aabot na ba iyan sa kasalan? Like next year? “Wala pa naman, pero aabot din iyan doon, hindi ko lang alam kung kailan.”
Paano niya nalamang si Jen na ang kanyang one great love?
“Siguro kapag sinabi mong one great love, katulad ng sinabi nila, ano iyan eh, isang matinding feeling iyan na nararamdaman ng tao. And kapag naramdaman mo iyan, malalaman mo na ‘yun na ‘yon. So, sana ay hindi ako nagkakamali dahil ‘yun ang gusto kong paniwalaan… Mapi-feel mo naman ‘yon, kapag pinakalabog niya ang dibdib mo,” nakangiting sambit pa ni Dennis.
Ang “One Great Love” ay mula sa pamamahala ni Direk Eric Quizon at tinatampukan din nina Miles Ocampo at Marlo Mortel.
Isa ito sa inaaba­ngang entry sa darating na MMFF 2018 na magsisimula sa December 25.