Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dennis ‘di welcome sa bahay ni Julia

0 2,147

NI: ARCHIE LIAO

Umani ng samu’t saring reaksyon ang ginawang pagko-comment ni Dennis Padilla sa post ng anak sa Instagram nito.

Sa kanyang IG account, inanunsyo niya na may bago na siyang vlog at bahagi ng kanyang morning routine ang i-update ito.

Nagkomento naman si Dennis kay Julia na “Kamusta anak?? Ganda ng haus mo… Congrats! Stay safe!”

Dedma naman si Julia sa post ni Dennis kaya naman nagsuspetsa ang mga netizen na hindi pa rin sila okey kahit na sa mga balita noon ay lumalabas na maayos na ang relasyon nila.

Hirit tuloy ng ibang kibitzers, tila hindi raw welcome si Dennis sa bagong bahay ng Julia.

Pero parang intriga lang ‘yan dahil nu’ng Father’s Day nag-post sa IG si Julia ng photo nilang mag-ama. May heart emoji ito sa caption.

Marami naman ang nakaka-appreciate sa gesture na iyon ni Dennis sa anak na kahit hindi sila nagsasama sa isang bahay ay nagagawa pa ring kumustahin ang young actress.

Si Julia ay anak ni Dennis sa dating aktres na si Marjorie Barretto.

Sa ngayon, ka-live in niya ang Fil-Australian beauty na si Linda Gorton kung saan meron siyang dalawang anak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.