Abante Tonite Interactive

Dennis ginamit sa pagbabati nina Marian, Popoy

281

Si Dennis Trillo pala ang partly ay naging mitsa sa pagkaka-ayos nina Marian Rivera at dating manager na si Popoy Caritativo kamakailan.

Ayon sa kwento ng aktres sa contract renewal niya kahapon as the face of Reverie by Beautederm Home, humingi raw siya ng tulong kay Dennis na as we all know ay talent ni Popoy.

“Si Dennis ang isa sa mga dahilan. Humingi ako ng tulong kay Dennis. Kasi nagkita kami sa Avon Run. Ayun, kinulit ko siya nang kinulit. Tapos sabi ko kay Jennylyn (Mercado, girlfriend ng aktor), “Jennylyn ha, ipaalala mo kay Dennis ‘yan.” Sabi niya, “oo ‘yan, ‘oo ‘yan.” Ayun,” kwento ni Marian.

She added, “binigyan naman ng pagkakataon. Nakuha sa matinding pagdadasal ng ilang taon. At least, ano rin, kailangang maghintay talaga ng tamang panahon para mag-heal ‘yung mga bagay na. . .”

Sobrang happy raw niya talaga na finally ay nangyari na ang matagal na niyang dinadasal at masaya raw siya na makita niya ulit si Popoy.

“Lahat ng mga bagay-bagay ay nakukuha talaga sa pagdadasal. So, isa ‘yan sa pinagdadasal ko talaga dahli sabi ko nga, si Popoy talaga ay isa sa mga pinaka-importanteng tao sa buhay ko,” she said.

Ayon pa sa aktres, kung nasaan man siya ngayon ay utang na loob niya talaga sa dating manager.

“Basta mahal ko siya mula noon hanggang ngayon at kung nasaan man ako ngayon ay utang na loob ko sa kanya at ang utang na loob na ito ay tatanawin ko talagang utang na loob hanggang sa nabubuhay ako,” pahayag pa ni Marian.

Wala kaming away ni Lovi-Yan

Balita ring nagkabatian na sila ni Lovi Poe at ayon kay Marian ay wala naman daw talaga silang naging away ng aktres.

“At nagpapasalamat ako sa Sunday Pinasaya, of course doon kami nagtagpo sa Sunday Pinasaya at nagkita kami nang wala kaming usap, nagyakapan kami, kamustahan kaming dalawa na napakasarap sa pakiramdam na. . .alam mo ‘yun? Ang sarap ng ganu’n, eh. Wala kang iiwasang tao, masaya ka, di ba?” sey pa ni Marian.

Aniya pa, “saka tanda ko na, dalawa na ‘yung anak ko, so gusto kong makita ng mga anak ko na masarap mabuhay nang walang kagalit. Na masarap mabuhay nang puro pagmamahal ang ibibigay mo, di ba?”

Samantala, masayang-masaya rin si Marian na muli siyang nag-renew ng kontrata sa Beautederm. Parang kailan lang daw nang una siyang pumirma at ngayon ay contract-signing na naman.

Kung dati ay nagsimula lang daw sa kandila ang Beautederm Home, ngayon ay may diffuser na sila at marami pa raw silang balak na ilabas na produkto in the near future.

Ayon naman sa President and CEO ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan, siya raw ang mas dapat magpasalamat at maging proud na pinagbigyan sila ni Maria at tinanggap ang offer niya na maging endorser ng kanilang produkto.

Sobrang happy rin si Rhea na napaka-effective endorser daw ni Marian at laging sold-out daw ang produktong ine-endorse nito sa Beautederm Home.