Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dennis inintriga sa Ingles

0 153

NI: ARCHIE LIAO

Bagamat humingi na ng paumanhin si Dennis Padilla sa kanyang anak, may mga Marites namang iniintriga ang komedyante dahil sa ipinost nitong sagot kay Leon.

Inglesero si Leon kaya napalaban din daw ang komedyante sa kanyang resbak sa anak.

Dahil dito, hindi maiiwasan na may mga duduso kung ang actor nga mismo ang sumulat ng nasabing letter para sa kanyang mga anak.

Madalas kasi sa mga interview, never namang sumasagot si Dennis sa wikang Ingles, unless bet nitong magpatawa.

On point at maganda rin ang pagkaka-compose ng kanyang kalatas sa anak na parang hindi consistent sa personalidad na alam ng publiko tungkol sa kanya.

Tanong tuloy ng mga mahadera at katkatera, may ghost writer daw ba ang komedyante kaya palaban din sa Ingles ang kanyang sagot sa akusasyon ng anak?

Anyway, delete na lahat ang mga post ni Dennis tungkol sa kanyang mga anak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.